Let’s get Tied!

fatsuckingmosquitoes:

Because it’s cool. :DD

fatsuckingmosquitoes.tumblr.com

“Ang dahilan kung bakit hindi ka dapat magmahal ng dalawang tao sa parehong panahon ay tulad ng kung bakit hindi ka dapat magsuot ng sapatos na hindi parehas sa parehong oras. Posible pero pangit tignan.”
“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”
“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung ‘di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. Kung alam lang ‘yan ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
“Pare, isa kang totoong tao at walang halong kasinungalingan, In English, Fact you pare!.. Totoo ka talaga, in English, fact you!”
“Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa ako. Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.”
“Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”
“Kung naghihintay ka ng lalandi sa’yo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka rin.”

1 2 3 4 »
Paper Edge
Design by Athenability
Powered by Tumblr